Mga kwentong Obscure

About Me

I am just a shadow who hides in the vast realms of darkness which no man can see... I am your worst nightmare

My Communities

My Categories

My Pages

your name:

url:

your message:

Entries for August, 2004

August 13th, 2004

TESTING

Posted by IPV_XIII at 10:35 AM on August 13, 2004.

This me a journal but the writer is definitly 100% Human (make that 99%) I am not sure what the hell I am writing here but..... I forgot heheheheheh

Soon to be added



Comments

August 16th, 2004

Unang paglalakbay

Posted by IPV_XIII at 03:31 PM on August 16, 2004.

Matagal na ako sa mundong ito, mga dalawamput lima na siguro na nakalipas, marami nang paglalakbay ang nadaanan ko sa lugar na napupuntahan ko mapadelikado man o hindi at marami na akong nakarinig ng mga kuwento, kuwento ng mga tao sa aking paligid mapa mahirap man o mayaman sila ay may mga kuwentong nagsisimula at nagtatapos sa mundong ito. Kay tagal na ng aking paglalakbay marami na akong malaman at matutunan sa mundong ito dahil kahit na may alam na ako ay wala pa rin akong alam dahil kulang pa ang aking nadiskobre at natutunan ko sa buhay na ito.

Marami akong malaman sa buhay ng isang tao at bilang tao o mga nilalang sa mundong ating kinaroroonan, gusto kong malaman kung ano ang kanilang layunin at koneksyon sa buhay, kung ako man ang tatanongin habang tumatagal ay dumarami ang aking layunin pareho rin ang koneksyon ng buhay na habang tumatagal ay ito rin ay rumarami sa bawat buhay o pangkat ng tao depende sa kanilang layunin. Pero saan ba nanggaling ito? Saan ba ito nagmula? Marami pa akong mga tanong tungkol siguro mahigit na mga libo o higit pa depende kung sa situasyon at sa lagay ko ngayon.

“ano pa ba dapat malaman ko sa mundong ito?”

Sa kasamaang palad ang bawat tanong na ito ay wala pang sino man nakakasagot at nakakaalam ng tamang sagot, yung talagang tama, hindi yung mga teorya na wala pang ebidensya na ginagamit lang ang panghuhula(hypothesis) at paniniwala. Kung mayroon man ito ang kanilang sagot;

“diyos lang ang nakakaalam”

Gusto ko talagang malaman ang lahat ng bagay at gusto ko malaman ang totoo tungkol sa mundong ito na puro pagkalito at problema at karamihan ay ang kahirapan na gusto ko rin malaman kung bakit. Subalit mayroon mga kondisyon na binigay saakin, una ay;

- Alamin mo Kung ano dapat alamin depende sa iyong lagay at situasyon ng iyong sarili o panahon

- Di dapat alamin kung anong di dapat malaman ng iba, mga bagay na talgang itinago o ginawang sikreto (taboo).

- Kung may nakadiskobre ka at nakaalam ng mga bagay di pa nalalaman ng tao o ang tinatawag na Taboo, isikreto mo lang at isulat sa isang lektura dahil dilikado ang lagay nito.

- Alahanin mo na maraming mga di maintindihan bagay sa mga ano man sitwasyon mayroon ditto.

- Ang aalamin mo lang ay yung pawing katotohanan lamang hindi yung mga kasinungalingan at nganggaling lang sa tsismis na ginagawa ng mga showbiz.

- At Kung patuloy mong gagawin ang iyong binabalak na alamin ang totoo, wag mo nalang gawin.

2 Mga kommento

August 18th, 2004

In the plains of despair

Posted by IPV_XIII at 04:19 PM on August 18, 2004.

As I walk through this place, I feel like I'm being left alone, there is nothing here but a lost soul full of pain like you haven't seen it before. I saw a cross but it is not actuall a cross it is a Y nor a T shape thing, I don't know.

You know in that Y shape artifact or should I say symbol, as I look closer there was a man, a human being hung up, decompsed, where the pain was still fresh, nor maybe this is ment to be a capital punishment, "Death Penalty.

As time goes by, and the light of fire is getting fainted... by the way in this place there is no light, it was blocked by some sorth of evil, shadow or creatures who was attracted through the light. As I continue to pass by, I witness in this place, that there are many souls lost in this place, were people nor being were just wondering around tries to see the light and escape through Hell, but lost there faith and lost there humanity, so they were stuck here for eternity, forever.

In this place neither it is cold as an emty of vastness of space, nor hotter than hell. but the only thing I'm afraid in this world is to lost my own faith, " in The Plains of Despair.

As time past by....I continue.....

Comments

August 20th, 2004

Sa pagiging manunulat [Tagalog Version]

Posted by IPV_XIII at 01:27 PM on August 20, 2004.

Sa aking kalagayan ngayon, tuloy pa rin ang pagiging manunulat ko, nakagawa na ako ng 10 libro pero hindi pa publish, hindi pa nababasa pero matutuwa na ako kung nabasa niyo na ito.

Sa pagiging manunulat, di mo rin maiiwasan ang simula, iisip ka ng malalim para makabuo ng simula, sa english "setting. mahirap gumawa ng setting para saakin, depende kung ang kwento ko ay fictional, pero madali na parasaakin kung eto ay real life story.

Di mo rin maiiwasan ang pagbubura, kahit na nakagawa ka ng limang pages hindi ka pa rin kuntento, buburahin mo na kaagad, maski na maganda ito para sa ibang tao. Maslalo rin hindi maiiwasan ang pag-iisip ng malalim sa pagbubuo ng kwento, dahil sa pag-iisip ng malalim dito na ang magiging dahilan kung bakit naging magulo ang kwento, sa madaling salita hindi mo maintindihan.

Kung isang tao ba naman eh, hindi makaka-isip ng mga kwento sa pagiging manunulat, dadaanan naman ito sa pangongopya, plagiarism at kung anu-ano pang style ng pagnanakaw, Kahit nga ang mga nakasulat dito eh iisipin mo na rin itong kopyahin kahit na simple lang ang journal na ito.

Nandyaan rin ang katamaran sa pagsusulat o sa pagta-type, normal lang itong mangyari sa isang manunulat hindi nga rin siya maiwasan pero kinakailangan lang ang tiyaga, pero hindi ko na alam kung normal ba ang hinahabol-habol ng kwento sa isang isipan at damdamin ng tao, yung tipong nasisiraan na ng bait o bigla nalang siya iiyak o tatawa dahil na-inspire siya sa ginawang kwento, pero sa kasamaang palad eh hindi naman ito isinulat.

Basta ako tuloy pa rin sa pagiging manunulat, kalaban ko ang pumipigil saakin (kung mayroon man). Hindi ko na rin masabi kung ako ay gumagaya ng mga kwento na ginawa ng iba't ibang tao, dahil sa panahon ngayon sinanakop na ng iba't ibang tao ang panglan at kwento o istorya na dapat kong sulatin. Hindi ko na rin naiwasan ang pang-aagaw ng kwento, pero okay lang saakin yan, pwede naman ako gumawa ng kwento yung tungkol sa nangyari yung nangyari talaga saakin.

Sa pagiging manunulat marami din akong mga tinatawag na "positive incohereanse" (tama ba ang spelling) at kung ano pa ang naging problema.

Nakahanap na rin ako sagot sa aking mga problema, pwede ko rin pala gawin symbolismo ang kwento, pwede ko rin gawin anagrams ang kwento at siyempre pwede ko rin gawin katawa-tawa ang kwento na parang pinaglalaruan ko lamang.

Hindi ko na alam kung hanggang saan ako magtatapos, pero para saakin tuloy pa rin ako sa pagsusulat, eto ang aking pagiging manunulat, eto na rin ang aking kwento.

Comments