Mga kwentong Obscure

About Me

I am just a shadow who hides in the vast realms of darkness which no man can see... I am your worst nightmare

My Communities

My Categories

My Pages

your name:

url:

your message:

Entries for September, 2004

September 15th, 2004

SA PAGIGING MANUNULAT II

Posted by IPV_XIII at 12:36 AM on September 15, 2004.

Marami pa akong gustong sabihin tungkol sa pagiging manunulat, kasalukuyan ko pang ibahagi ang mga salitang gusto kong sabihin pero hindi ko pa nasasabi na mahigit matagal na panahon.

Ano nga ba ang alam ko na hindi niyo pa nalalaman? isang kontrobersyal na tanong na walang sino man nakakaalam kundi ang sarili mo, ang tanong na ito ang isang naging simbolo ng pagiging manunulat, ayon sa mga natutunan ko sa Literature ang isang manunulat pala ay tinatawag na isang "omniscient" na ibig sabihin ay "all knowing" at maraming kaalaman sa wikang tagalog. kaya sila tinawag na Omniscient dahil dito nila ibinabahagi ang mga nalalaman nila sa buhay, sa sariling buhay (fiction or non fiction), dahil marami silang kaalaman tungkol sa mga kwentong naranasan nila, na wala pang sino man nakaranas sa buhay ng sino man nagsulat ng kwentong ibinahagi (tulad nito) depende sa katauhan.

Sabi daw ang literature ay buhay at buhay din mismo, tama ang sinabi nila at totoong sang ayon ako dito, kaya naging buhay ang literature dahil dito na rin ibinahagi ang buhay ng isang tao, mga kwento o istorya ng bawat tao o ang sarili na rin. "bawat kwento ay may kaugnatyan sa bawat tao"

Sa aking konkusyon ang isang tunay na manunulat ay hindi pa nakapagsala ng pangongopya o plagiarism (depende kung newbie palang) sabi ng aking guro ang plagiarism daw ay isang paraan ng pangongopya o pagnanakaw ng isang sulatin o kwento ng isang tao na sasabihin nila na sila ang gumawa, pero hindi na plagiarism ang tawag sa isang tao na gumagaya ng kwento pero iba ang paraan ng kanilang istorya o kwento, dahil sakop na natin ang lahat ng kwento o istorya sa buong mundo normal lang ang magkapareho ng isang kwento (coincidentally) pero iba ang pananawa sa buhay.

kung plagiarism ang pinag-uusapan, sa umpisa palang ng pagiging manunulat, siguro nandito na rin ang katangian ng katamaran mag-sulat, walang maibahagi na kwento,walang maisip o siguro naman kawalaan ng originality, dahil sa katangian na naidulot nito dito na nagsimula ang pangongopya (depende rin kung nawlan ka rin ng tiyaga magsulat)

Sa kwento ng pagiging manunulat hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko halos naibahagi ko na lahat ang gusto kong sabihin bueno lang sa isang mambabasa.

para sa isang mambabasa

mayroon akong nabasang isang nobela ni Bob ong ABNKKBSNPLAKO, ayon sa aking impormasyon, reaksyon, konklusyon at sa pagkaintindi ko sa nobelang ito okey naman nakakatawa pero hindi naman yan ang paguusapan natin, ang gusto ko lang pag-usapan dito ay yung pangalan ng libro "aba nakakabasa na pala ako" tamang tama ang simbolo ng pangalan na ito bilang isang libro (kahit na talagang libro ito) dahil ayon sa pagkaintindi ko kaya ito ang naging pangalan ng libro eh dahil karamihan saatin ay may problema at tinatamad mag basa ng libro

Comments