Mga kwentong Obscure

About Me

I am just a shadow who hides in the vast realms of darkness which no man can see... I am your worst nightmare

My Communities

My Categories

My Pages

your name:

url:

your message:

February 8th, 2005

Carbon Monoxide through our society (filipino)

Posted by IPV_XIII at 03:53 PM on February 8, 2005 as a stickied, favorite post.

Di ko talaga maiintindihan ang mundong ito. Nang matapos na ang walang kamatayang kwento tungkol sa bakit nagsimula na ang aking paglalakbay at mamasyal sa lunsod ng maynila. Unang apak ko lang sa labas ng bahay napansin ko na puro basura (ovious ba?) wala ka talagang makakita na maganda sa labas pa lang ng bahay napapansin mo na palaging baha (hindi naman umuulan at tagtuyot ang panahon ngayon) isa pa ay lubak-lubak pa ang kalye na ilang taon pa na hindi pa naaayos, kung hindi ba naman ako minamalas muntik ako masagasaan ng tricycle at nakaapak pa ng tae (marami kasing aso) pero swerte na hindi naman ako hinabol at mukhang maamo,pagalis ko may narinig ako parating ang sasakyan at narinig ko na tumahol ang aso (mayroon pa ngang tumakbo nalang) pagtalikod ko kaya pa la tumatahol ang aso eh hinuhuli pala nakita ko yung amo pero sa kasamaang palad wala siyang ginawa (buti hindi ako ganyang amo) naawa tuloy ako sa mga aso, tapos maynarinig ako at napasok sa tenga ko na nagsabi kapag hindi daw nakuha yung aso sila ay papatayin at lilibing sa north cemetery (tapos ang inisip ko nasaan ba ang karapatan ng mga hayop) kung akong tatanungin mo kung ano ang nangyari sa mga aso eh hindi ko na alam kahit na nagtanong pa ako sa mga kapitbahay eh hindi rin naman nila alam (kasi walang nagtatanong) ganito ba ka bangis ang tao pagdating sa mga hayop araw-araw sila ay hinuhuli at pinapatay kailangan siguro mabigyan yata ng animal rights yung mga pinaslang na aso. Nang matapos na ang lahat nagsimula uli ako mamasyal lakad lang ako ng lakad hanggang sa napansin ko na traffic pala (haba pa ng traffic) hindi talaga maiiwasan ang trapiko kahit saan ka magpunta gabi man o umaga bawat araw ay may traffic, di lang nakakabadtrip nakakabuwiset na rin kung ano man ang usok na nilalanghap ko eh para na rin ako naninigarilio. (pero wala na akong mahanap na paraan para mamasyal kaya nakisakay nalang ako sa jeep) grabe ang traffic parang ako pumipila sa boto na nakaupo, naalaala ko tuloy ang mga natutunan ko sa chemistry tungkol sa carbon monoxide [pero hindi naman natin tatalakayin yan] napapansin ko na mga ibang tao ay nakatulog na dahil sa inip at init mga iba naman maputla na ang mga mata mga iba nag marchahan nalang kasi saying daw sap era at ako ay tuloy din sa pagiisip ng mga di maiintindihan, tapos naalaala ko tuloy ang Carbon monoxide (carbon monoxide nanaman) hindi ko talaga maiiwasan kapag iniisip yung Carbon monoxide……………pero teka…………… ayun naalaa ko na… napapansin mo ba kung bakit ikaw ay inaaantok kapag nakasakay ka sa jeep maslalo na pag traffic. Wag mo sisihin ang init at inip sisihin mo yung Carbon monoxide yan ang ang dahilan kaya ka nalang biglang inaaantok na nanggagaling sa tambutso ng mga iba’t ibang sasakyan (maslalo na yung mga trak at bus). Ang Carbon monoxide ay walang kulay at walang Amoy at hindi ito madaling nakikita sa lugar. Nabubuo ang Carbon monoxide sa pamamagitan ng hindi kumpleto ang proseso sa pagsusunog na imbis na Carbon dioxide ang namuo namuo ito bilang isang Carbon monoxide Ang Co2 ay isang naglalasong hangin na ginagamit sa mga pamatay hayop kapag sila ay nahuhuli (teka lang yan yata ang ginamit sa pamatay aso) marami na ang kaso na tinatawag na Carbon monoxide poisoning (yun naman yung galling sa aircon ng sasakyan) mga karamihan na nalason dito ay natatagpuan sa mga parking lot…………blah blah…blah……………… yan katunayan nahihirapan akong palitan ng wikang inggles sa wikang tagalog kaya pala kailangan inggles ang wika sa Chemistry dahil mahirap iintindihin. Karamihan sa mga ito ay naturo saakin sa chemistry mga iba ay nabalitaan lang sa kolehiyo (akala ko ba hindi natin ito tatalakayin). Dahil sa sobra na ang traffic at hindi ko na kayang tiisan ito nagpasya nalang ako umuwi kasi gagabihin lang ako at sayang ang oras sa pagtulog ko at tandaan nakakapatay ng maraming brain cells ang carbon monoxide kaya tayo nagiging hindi matalino dahil lang sa dito kaya umuwi nalang ako kaysa sa baka maging bobo pa ako sisihin ko pa yung driver.

Comments

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website: